500,000 doses ng COVID-19 vaccine mula China, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng CoronaVac vaccine na binili ng national government mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech.

Pasado 7:05 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific chartered flight 5J671.

Mula sa paliparan ay dadalhin sa Pharmaserv cold storage facility sa Marikina City ang mga bakuna at saka ide-deliver sa local government units.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na siyang sumalubong sa Sinovac vaccines, isang milyong doses ang nakatakdang i-deliver sa National Capital Region (NCR) Plus, Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dumating na rin kasi ang certificate of analysis o COA mula sa manufacturer para sa naunang 500,000 doses.

Umaasa naman si Galvez na sa May 7 ay mayroon pang darating na 1.5 million doses mula sa China habang posibleng sa May 1 na ang initial 15,000 doses ng Sputnik V mula sa Russia.

Batid ng opisyal na halos linggu-linggo ay may dumarating na bakuna sa bansa kaya kumpiyansa itong aabot na sa dalawang milyong Pilipino ang mababakunahan kontra COVID-19.

500 doses of sinovac arrived in the philippinescovid-19 vaccinesinovac
Comments (0)
Add Comment