Atty. Glenn Chong, malapit nang makulong – Former Comelec Chair. Brillantes

Tiwala si dating Comelec Chairman Sixto Brillantes na makukulong na sa malapit na hinaharap ang pangunahing nag-aakusa ng dayaan sa halalan na si Atty. Glen Chong.

Ayon kay Brillantes, naghain na siya ng reklamo laban kay Chong dahil sa pagnanakaw ng mga balota at inaasahang madedesisyunan ito ng Comelec at maita-transmit ang kaso sa regular court.

Sinabi pa ng dating poll official, ang motion for reconsideration na lang ni Chong ang hinihintay nilang madesisyunan.

Giit ni Brillantes, na-establish na ang naging pagkuha sa mga balota dahil iligal itong napasakamay ng grupo nang nagrereklamo.

Babala pa ng dating Comelec chief, huwag maniwala sa mga sinasabi ni Glen dahil tampered daw ang mga ebidensya nito.

Para naman kay Chong, lehitimo ang kanilang reklamo at hawak na mga ebidensya ukol sa dayaan sa halalan.

August 7 2018
Boysen Fajardo Cestina

attorney glen chongBrillanteschongcomelecFormer Comelec Chair. Brillantesglen chongsixto brillantes
Comments (0)
Add Comment