Fr. Paul Martin Tirao suspect sa pagpatay kay Jeraldyn ng CamSur, Kinasuhan Na!

Kinasuhan na ang isang pari kaugnay sa pagpatay sa isang babaeng natagpuan sa gilid ng highway sa bayang ito noong Hunyo 15.

Nakilala ang suspek na si Fr. Paul Martin Tirao, taga Barangay San Jose sa bayan ng Baao. Kura paroko sa isang simbahan sa lungsod ng Iriga ang nasabing suspek sa pagkamatay ni Jeraldyn Rapiñan.

Unang pinagbasehan ng Special Investigation Task Group ng Camarines Sur Police ang pahayag ng pamilya mismo ng biktima na si Tirao ang huling kasama nito.

Pinag-aralan din ang mga ebidensya at kuha ng CCTV sa ruta ng puting van na sinakyan ng biktima.

May isang testigo rin ang lumutang na nagpatibay sa kaso laban sa pari kung saan positibong kinilala niya si Tirao bilang isa sa dalawang taong nagtapon sa bangkay ni Rapiñan.

Hindi pa nakikilala ng awtoridad ang sinasabing kasama ni Tirao sa krimen.

camarines sur crimecriminal priestfather priestFr. Paul Martin Tiraopriest Paul Martin Tirao
Comments (0)
Add Comment