Health care workers mula Cebu, dumating na sa MM para tumulong sa pagtugon sa COVID-19 sa NCR Plus

Nasa Metro Manila na ang ilang health care workers mula Cebu para tulungan ang National Capital Region (NCR) Plus na gamutin ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kasunod ng kanyang pagsaksi sa itinayong 103rd Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital Carcar City, Cebu

Ang Malasakit Center ay isang one-stop-shop na medical assistance para tumulong sa pagpapagamot ng mga mahihirap na Pilipino.

Ang Carcar Provincial Hospital ang ikaanim na ospital sa Cebu na mayroong Malasakit Center kung saan nauna na ang Eversley Childs Sanitarium & General Hospital sa Mandaue City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, at St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu City, Lapu-Lapu City District Hospital, at Talisay City District Hospital.

Nagpasalamat ang senador sa mga frontliners na nagboluntaryo na magtungo sa NCR Plus na nagsakripisyo na iwanan ang pamilya para lamang tumugon sa tawag ng tungkulin.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, siniguro niya ang kanyang suporta para maalagaan din ang kaligtasan ng mga health care workers.

Kabilang sa suporta ng senador ay ang pagsusulong sa Senado ng mas maayos na compensation ng mga nurses para tumaas ang sweldo sa pamamagitan ng Salary Standardization Law V.

Noong nakaraang mga buwan sa kasagsagan ng COVID-19 crisis, matagumpay na naisulong nito ang paglalabas ng active hazard pay at special risk allowance benefits ng mga health workers.

Umaapela din siya kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na isama ang mga personnel ng Professional Regulatory Board, mga volunteer proctors and watchers sa Priority Group A4 ng government’s vaccination program.

Hiningi rin niya na ikunsidera ang pre-board nursing graduates na makakuha ng eksaminasyon ng board exams ngayong 2021 upang may maidagdag sa kasalukuyang bilang ng mga health care workers.

Matapos ang paglulunsad ng Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital namahagi naman ang DSWD ng financial assistance sa 86 indigent patients.

Agad ding tinungo ng senador ang bagong Carcar City Public Market at namigay ng ayuda sa mga Tricycle Operators and Drivers’ Association, habal-habal drivers at delicacies vendors.

cebu nurses for manilanurses from cebu to help manila covid situation
Comments (0)
Add Comment