- Advertisement -

Isang tren ng PNR, nadiskaril

0 12

Nadiskaril ang isang tren ng Philippine National Railways o PNR, Linggo ng umaga.

Naganap ang insidente dakong 5:07 ng umaga, sa bahagi ng Barangay Pook sa pagitan ng Cabuyao at Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa PNR, natanggal ang isang gulong ng Train 442, dahilan para ma-diskaril ito.

Sa kabila ng insidente, sinabi ng PNR na walang nasaktan na mga pasahero.

Nagtungo na rin ang rerailment crew sa lugar upang ayusin ang pagkasira.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...