Look: 201 miyembro ng PNPA “Sansiklab Class 2019”, itinalaga bilang mga bagong inspektor sa serbisyo

0
1027

Pormal nang itinalaga bilang mga bagong police inspectors na katumbas ng police lieutenants, ang 201 bagong graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Sansiklab Class of 2019”.

Si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang nagbasa ng Confirmation of Appointment sa isinagawang 40th Commencement Exercises ng PNPA sa Camp Castañeda, Silang Cavite ngayong umaga.

Isandaan at tatlumpu’t walo sa mga nagsipagtapos sa PNPA ang papasok sa Philippine national Police (PNP), 41 sa mga ito ay papasok sa Bureau of Fire Protection (BFP) habang ang 22 ay mapupunta naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Bilang mga bagong opisyal ng kapulisan, hinamon ng class valedictorian na si Police Lt. Jervin Allen Ramos ang kanyang mga kasamahan na manatiling tapat sa sinumpaang tungkulin sa gitna ng lahat ng hamon at kontrobersya na kinakaharap ng mga pulis.

Matapos ang seremoniya at parada, isinagawa ang 1 Line Traditional Farewell Handshake ng mga bagong police inspector sa PNPA Cadet Corps. mula sa administration building hanggang sa grandstand.

Radyo Pilipinas | ulat ni Leo Sarne

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here