- Advertisement -

Marcos dapat ilibing sa BNPP ayon sa isang kongresista

0 26

Inihirit ni Albay Rep. Edcel Lagman na ihimlay na lamang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Bataan Nuclear Power Plant o BNPP.

Ayon kay Lagman, kapag ipinilit na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang isa aniyang “despot, dictator and plunderer”,  mistulang pag-sanctify ito sa kasamaan.

Sarkastiko namang inirekomenda ni Northern Samar Rep. Raul Daza na para matapos ang naturang usapin sa Marcos burial ay palitan na lamang ang pangalan ng Libingan ng mga Bayani at gawin itong Libingan ng mga Bayani at isang Peke.

Samantala, tinawag naman ni Lagman si Communications Secretary Martin Andanar na ‘incorrigible brat’.

Ito’y kahit na humingi na ng paumanhin si Andanar matapos bansagang temperamental brats ang mga kritiko ng paghihimlay kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Lagman na hindi nauunawaan ni Andanar ang kasaysayan partikular ang tungkol sa karahasan sa ilalim ng Martial Law noong Marcos administration.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Lagman na maghahain sila ng motion for reconsideration sa Korte Suprema para ipabaligtad ang desisyon nito na nagbibigay daan sa paglibing kay Marcos sa LNMB.

Magpupulong umano ang kanilang grupo sa araw na ito para maihain sa lalong madaling panahon ang kanilang motion for reconsideration.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...