- Advertisement -

Mas Maraming Empleyado ng Jolibee ma re-regular na

0 27

Mas marami pang empleyado ng  Jollibee Foods Corporation ang  inaasahang  ma-reregular sa trabaho.

Ayon  kay  Labor  Secretary Silvestre Bello the Third,   mahigit 10,000 hanggang limampung libo ang inaasahang ma-reregular na empleyado ng jolibee, ang pinaka-malaking  fastfood chain sa bansa.

Bingyan anya nila ang J.F.C. ng sampung araw upang i-apela ang desisyon ni DOLE-National Capital Region  Director Henry John Jalbuena na i-regular ang mga manggagawa ng Jolibee.

Nilinaw ni Bello na mayroong kapangyarihan ang regional director  na mag-issue ng kautusan na kinukwestyon ng pamunuan ng Jolibee.

Magugunitang ipinag-utos ng  DOLE-NCR sa naturang fast food giant na i-regular ang mahigit pitong libong empleyado nito sa  Metro Manila.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...