- Advertisement -

Mga pulis binuweltahan ni Goma sa isyu ng droga

0 19

Sinampahan na ng kasong administratibo ng aktor at ngayoy Ormoc City Mayor na si Richard Gomez ang mga pulis na nagsasangkot sa kanya sa iligal na droga.

Kinasuhan ni Gomez sa Napolcom ng kasong grave misconduct, grave abuse of authority at conduct unbecomming of a police officer sina Police Chief Inspector Jovie Espinido ng Albuera, Leyte Police station PO3 Yydie Yutrago at Police Chief Inspector Leo Laraga ng CIDG Region 8 dahil sa pagsasangkot sa kanya sa iligal na droga sa pagdinig kamakailan ng Senate Commitee on Public Order and Dangerous Drugs.

Maliban sa administrative cases, balak din nilang sampahan ang mga nasabing pulis ng kasong kriminal.

Giit ni gomez, imbento at politically motivated ang pagsasangkot sa kanya dahil mga bata umano ng kalaban nila sa politika ang mga inereklamo niyang pulis.

Dagdag ni Gomez, hindi siya makakapayag na basta na lamang dumihan ang kanyang pangalan na matagal niyang pinangalagaan.

Kasama nina Gomez at Congreswoman Lucy Torres na nagpunta sa Napolcom ang abogado nito na si Atty. Adelito Solibaga.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...