- Advertisement -

P500 monthly sa seniors hiling palawakin

0 62

Habang nakabitin pa ang SSS pension hike, mas makabubuting palawakin umano ng gobyerno ang programang nagbibigay ng P500 kada buwanang allowance sa mga senior citizens.

Ito ang suhestiyon ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe sa paniwalang kayang-kaya ng gobyerno na magbigay ng ganitong benepisyo sa mga senior citizens pensionado man sa SSS at GSIS o hindi.

Sa kasalukuyan, ang P500 kada buwang allowance ay iginagawad lamang sa kuwalipikadong mahihirap na nakakatanda.

Base sa kwenta ni Batocabe, aabot ng P40 bilyon kada taon ang gagastusin ng pamahalaan kung isasakatuparan ito, bagay na kayang kaya naman umanong tustusan ng gobyerno.

Maaaring sa tingin umano ng iba ay masya­dong maliit ang limang daang piso subalit ikinatutuwa na ito ng mga nakatatanda.

Subalit ang kapalit umano nito ay dapat naman alisan na ng exemption sa VAT ang mga senior citizens.Paliwanag ni Batocabe, hindi naman masyadong napapakinabangan ng mahihirap na senior ci­tizens ang VAT exemptions kundi ang may ka­yang nakatatanda ang lubos na nabebenepisyuhan nito.

- Advertisement -

Loading...