- Advertisement -

San Jose Camarines Sur, binabayo ng hangin at ulan dulot ng bagyong ‘Nina’

0 26

Binabayo na rin ng napakalakas na hangin at ulan ang bayan ng San Jose, Camarines Sur na dulot ng bagyong ‘Nina’.

Ang Camarines Sur ang isa sa mga lalawigan na tatatamaan ng bagyong ‘Nina’ na nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal number 4.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mayor Tony Chavez ng bayan ng San Jose na dakong alas 8:30 ng gabi, biglang bumuhos ang napakalakas na hangin na may kasamang ulan.

Dahil sa malakas na hangin, wala nang kuryente ang kanyang bayan at ang malaking bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur.

Nasa 2,000 pamilya rin na nakatira sa baybayin ng San Jose ang kanilang inilikas at nananatili sa mga evacuation centers.

Bago pa man ang pagtama ng bagyo, kanilang tiniyak na aniya na sapat ang mga kinakailangang relief supply ng kanyang mga kababayan na namamalagi sa mga evacuation center.

Dagdag pa ni Mayor Chavez, ito na ang pinakamalakas na bagyo na kanyang naranasan sa kasalukuyan.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...