- Advertisement -

Sara ‘di tatakbong presidente – Digong

0 64

MANILA, Philippines – Hindi papayagan ni Pangulong Duterte na tumakbong pangulo sa 2022 si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ito ng Pangulo matapos palutangin ng ilang grupo na posibleng maging kapalit ni Pangulong Duterte sa 2022 ay ang anak nitong si Mayor Inday Sara.

“‘Yang anak ko baka maano kayo I will advise her to lay off. Pero if I know Inday hindi yan tatakbo ng presidente. Wise masyado ‘yan si Inday,” wika ng Pangulo sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City.

“She just want to shake the tree…shaking the tree and getting rid of the dry leaves and everything,” dagdag pa ng Pangulo.

“Kung ako ang tanungin mo hindi ako papayag na tatakbo,”  giit ni Pangulong Duterte.

Nagsisilbing lider ngayon ng Hugpong ng Pagbabago party si Mayor Inday at ikinakampanya nito ang senatorial candidates ng kanyang partido.

source: philstar.com

- Advertisement -

Loading...