- Advertisement -

Sen. De Lima, Umamin na sa Isyu Nila ng Dating Driver at Bodyguard

0 3

Kinumpirma na ni Senador Leila de Lima ang matagal na bulung-bulungan patungkol sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang dating driver na si Ronnie Dayan.

Sa isang interview sa senador ni Winnie Monsod ng GMA-7, tinanong ito kung bakit na-inlove ang senadora sa kanyang driver.

Sagot ni De Lima, naging bahagi lamang ito ng kanyang pagiging ‘marupok’ bilang isang babae o “frailties as a woman”.

Dagdag pa ng senadora, naging masyado silang malapit ni Dayan kaya’t nagawa niya itong mapagkatiwalaan ng lubos.

“We became so close. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko.” Dagdag ng senadora.

Ang relasyon umano ni De Lima kay Dayan ay nagtagal ng ilang taon, ngunit nakipaghiwalay din ito bago siya tumakbo bilang senadora.

Matatandaang inaakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima, sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang ex-driver na si Dayan.

Si Dayan ang inaakusahang ng ilang witness na humarap sa congressional hearing na nagsilbi umanong tagapamagitan sa pagitan ni De Lima at mga sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison na mariing itinatanggi ng senadora.

 

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...