- Advertisement -

TV network, diyaryo binira ni Digong

0 16

MANILA, Philippines – Nakatikim ng batikos mula kay Pangulong Duterte ang pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI) at ABS-CBN dahil sa hindi umano patas na pagbabalita ng mga ito.

 Inakusahan ni Pangulong Duterte na ‘basura’ ang report ng Inquirer at ABS-CBN dahil sa mga slant ng ulat nito patungkol sa kanya.

“It is an apparatus which I have to destroy both kasi tingnan mo ang Inquirer. Ang sinasabi ko, sila ang may sabi na pinapatay ko raw ang mga mahirap. Alam mo ang Inquirer kahapon, talagang b*** s*** ang p****** i** niya, basura talaga ‘yan pati ‘yung eleksyon na ganyan. The poor will be killed. Tignan mo mag-slant. Ewan ko ba but someday—hindi ko tinatakot but someday ‘yung karma dadating ‘yan,” wika ni Duterte kahapon sa kanyang mensahe sa mass oath taking ng 400 officials sa Malacañang.

“Talagang mga walanghiya ang p****** i**** journalista na ‘yan. Sabihin ko sa inyo tala­gang walanghiya pati ‘yung ABS-CBN. Because if I have the money p***** i** ninyo. Nandiyan na ako sa gobyerno ngayon and you can request any son of a b**** there sa Central Bank. Tell them to get a statement, bakit ako magbigay sa kalaban ko. If there is a really a 200 million sa account ko, I will resign tomorrow, ‘yan ang hamon ko sa lahat. And if my children would get involved in corruption, I will gladly step down. ‘Yan ang totoo mga Inquirer, mga b*** s*** kayo pati ‘yung ABS-CBN. Basura ‘yung inano ninyo. Dapat may magsabi sa inyo ngayon p***** i** ninyo, sinobrahan ninyo ang kalokohan ninyo,”dagdag pa ni Duterte.

Iginiit pa ni Duterte na kahit noong presidential campaign ay mainit na sa kanya ang PDI at ABS-CBN dahil iba ang manok ng mga ito.

“Dapat talaga kayo, somebody should say p****** i** ninyo, baka takot magsabi—atakahin mo na ako ng atakihin araw-araw pag makita kitang may-ari sabihin kita mukhain kita p****** i** mo bastos ka. Me? If you ask me that I’m very happy to be President, s*** I’m not, nagsisi ako. [laughter] Kasi may mga press pala na p****** i** na walang alam kung hindi kasinungalingan. Ano ako, I do not need this at the time of my life. I’m 72. Marami pa kayong speculations diyan na mga may sakit ako na—bakit ang lolo mo hindi namatay? [laughter] g*** talaga itong mga  p******* i**. Kayong mga Prieto, kayong mga Lopez, did your grandfather live forever? U*** pala kayo. Magbuti ‘yang magkababuyan na tayo dito, eh ano eh di magbabuyan tayo araw-araw. Bakit ba ‘yung bang mga lolo ninyo hindi namatay? Ang lamang lang ninyo kasi mayaman kayo, at least they died—wala man,” paliwanag pa ni Duterte.

“At the end of the day we will be all carcass. Kayong mga, 211 billion? Million? Huwag na ‘yung bilyon—million mag resign ako, totoo lang. Halungkatin na ninyong lahat. The life of a quarter of government is always open to—ako prangkahan ko kayo. Mga bastos rin kayo sa totoo lang, ‘yung ginagawa ninyo kabastusan,” banat pa ng Pangulo.

Itinanggi naman kahapon ng Inquirer ang akusasyon ni Pangulong Duterte na hindi umano parehas ang pahayagan sa pagkober nito sa kanya at sa kanyang administrasyon.

“Since its founding in 1985, the Inquirer has upheld the highest standards of excellence in journalism. Even as we’ve courageously pursued the truth in our coverage, we’ve endeavored to get the administration’s side of any controversy,” pahayag ni Inquirer executive editor Jose Ma. Nolasco.

Meron pa nga anyang section sa Inquirer Opinion ng tinatawag na “View from the Palace” linggo-linggo na kung saan tinatalakay at ipinapaliwanag ng mga opisyal ng Gabinete ang patakaran ng administrasyon at kahit ang personalidad ng Pangulo mismo.

Patunay anya rito ang daan-daang parangal at papuri na tinanggap ng Inquirer mula sa mga prestihiyosong organisasyon dahil sa pagiging tama, patas at  balanse nito sa pagbabalita.

Habang isinusulat ito ay wala pang pahayag ang ABS-CBN.

source: philstar.com

- Advertisement -

Loading...