- Advertisement -

1 OFW Bibitayin sa United Arab Emirates

0 37

Isa pang Overseas Filipino Worker o OFW ang nakatakdang bitayin sa UAE o United Arab Emirates.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, sinentensyahan ng kamayatan ang OFW na si Jennifer Dalquez matapos niyang patayin ang kanyang employer na nangtangkang manggahasa sa kanya noong Disyembre 7, 2014.

Batay sa impormasyong nakuha ng Department of Foreign Affairs o DFA, sinasabing igagawad ng UAE Court of First Instance ang parusa sa nasabing OFW sa Pebrero 27.

Kaugnay nito, nanawagan si Villar sa DFA na gumawa ng paraan upang maisalba sa execution si Dalquez.
(DWIZ)

- Advertisement -

Loading...