- Advertisement -

1 sa 4 na nagpa-swab test na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, nakitaan ng sintomas ng COVID

0 391

Boluntaryong nagtungo sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Quezon City, ang apat na indibidwal na umano ay pumila sa birthday community pantry ng aktres na si Angel Locsin, noong Byernes.

Ayon kay CESU Chief Dr. Rolando Cruz, tatlo sa mga nagpa-swab ay itinuturing na asymptomatic, habang ang isa ay nakitaan na ng sintomas ng COVID-19 tulad ng pananakit ng ulo, kawalan ng pang-amoy, at panlasa.

Agad na inilagay sa isolation facility, ang hindi pinangalanang indibidwal para sumailalim sa obserbasyon ng mga doktor.

Kaugnay nito, umaapela si Dr. Cruz sa lahat ng mga pumila sa birthday community pantry ng aktres, na magtungo sa Epidemiology Center ng Quezon City upang magpa-swab test.

Sabi ni Cruz, ngayon ang ikalimang araw ng incubation ng virus sa katawan ng tao sakaling nahawaan sila mula noong Biyernes.

Sino mang nais magpa-swab ay maaaring magpa-book via online at mag-register sa CESU Facebook page.

Maaari ding tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759; 8703-4398; 0916-122-8628; 0908-639-8086; at 0931-095-7737.

Libre ang swab test na ipagkakaloob sa mga pumila sa birthday community pantry ng aktres, kung saan ang lokal na pamahalaan ang saagot nito.

Source Radyo Pilpinas

- Advertisement -

Loading...