- Advertisement -

Arroyo nanindigang hindi binawi ang kanilang bersyon ng panukalang pambansang budget

0 24

Itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na binawi nila ang ipinasang bersyon ng 2019 proposed national budget sa Malakanyang.

Ayon kay Arroyo, hindi nila ito binawi bagkus ay kanila lamang tinatalakay ang lalamanin ng bagong gagawing panukalang budget.

Sinabi ni Arroyo, nagpatawag na siya ng pulong sa lahat ng miyembro ng House of Representative kasama si Ronnie Zamora ngayong araw.

Binigyang diin ng speaker na kanilang igigiit sa bersyon ng Kamara ang hindi pagkakaroon ng lump sum na una nang idineklarang unconstitutional.

Iginiit naman ni Arroyo na wala silang isusumiteng 2019 budget sa pangulo kung wala silang mapagkakasunduan at magmamatigas si Senate President Tito Sotto III na huwag lagdaan ang panukala.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...