- Advertisement -

BB Gandanghari isa ng ganap na babae

0 15

Ganap nang legal na babae si BB Gandanghari sa United States.

Ito ay matapos aprubahan ng isang korte sa California ang kanyang petisyon na pagpapalit sa pangalan at kasarian.

Ibinahagi ni BB ang magandang balita sa isang Instagram post at nagpasalamat pa ito sa Panginoon dahil hinayaan na maging posible ang imposible.

Nakasaad din sa caption ng post ni BB na malaki ang pasasalamat niya sa U.S dahil sa pag-aapruba sa kanyang petisyon.

Matatandaang noong Agosto, pormal na naghain ng petisyon si BB para mapalitan ang kanyang pangalan at kasarian sa Superior Court of California sa U.S.

Hiniling niya na mapalitan na ang pangalan niyang Rustom Padilla ng Binibini Gandanghari at ang kanyang lalaking kasarian ng babae.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...