- Advertisement -

BIRTHDAY NI MAYOR ERAP MISTULANG NAGING REUNION NG MGA PANGULO NG BANSA

0 34
Nasilayan ang malalaking personalidad sa larangan pulitika kasabay ng pagdiriwang ng ika-walumpung kaarawan ni dating Pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Erap Estrada.
Panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte na sinundan naman ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Dumalo rin sa pagdiriwang sa Manila Hotel sina ang mag-inang sina dating unang ginang ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at dating Senador Bongbong Marcos gayundin si dating Bise Presidente Jejomar Binay at dating unang Ginoo Jose Miguel Arroyo.
Bago tumulak ang Pangulo sa Manila Hotel, nagbiro muna ito sa isang pagtitipon sa Mall of Asia kung saan, sinabi nito na ibabalik niya sa kulungan si Estrada dahil sa ginawang pangmamaliit nito sa kaniya nuong panahon ng kampaniya.
Ngunit isang seryoso ng Duterte ang humarap sa mismong pagdiriwang kung saan, nagpaabot ito ng pagbati gayundin ng kaniyang mensahe para sa bayan.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...