- Advertisement -

CHR, nababahala sa bantang “zero budget” ni Alvarez

0 27

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng “zero budget” ang ahensya dahil sa patuloy na pambabatikos nito sa “war on drugs” ni Pres. Rodrigo Duterte

Sa kanyang panayam sa Aksyon sa Umaga, sinabi ni CHR Chairman Chito Gascon na hindi makatuwiran ang pahayag ni Alvarez na hindi bigyan ng pondo ang ahensya. Sa katunayan, may ilang mambabatas pa nga raw na gustong dagdagan ang budget ng CHR.

Nasa P678 million ang iminungkahing budget ng Department of Budget and Management para sa CHR. Mas mababa ito kumpara sa kasalukuyang budget ng ahensya na P749 million.

Aminado si Gascon na posibleng panggigipit daw ito sa kanila ng administrasyon. Sa kabila nito, hindi raw siya magbibitiw sa puwesto.

Nilinaw din ni Gascon na mandato ng CHR na magsilbing “watch dog” sa gobyerno. Kaya trabaho nila na sitahin ang gobyerno kung may nilalabag ito sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Iginiit din ng CHR na hindi lang ang mga kriminal ang kanilang ipinagtatanggol.

Sa huli, nagpasalamat si Gascon kay Sen. Risa Hontiveros na nagtanggol sa CHR.

Matatandaan na sinabi ni Hontiveros na labag sa konstitusyon ang banta ni Alvarez na “zero budget” sa CHR.

Read more on News5 Everywhere

 

- Advertisement -

Loading...