- Advertisement -

De Lima pinayuhan na sagipin ang sarili sa pamamagitan ng resignation

0 34

Ito ang naging payo ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Senador Leila De Lima matapos aminin ang relasyon nito sa kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Ayon kay Panelo, pinatunayan lamang ni De Lima na tama ang naging alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot ito sa imoralidad.

Sinabi pa ni Panelo na sa pag-amin ni De Lima, binuksan nito ang isang kasong criminal dahil sa pakikiapid sa isang lalaking may asawa.

Ayon pa kay Panelo, isang basehan na ito para mapatalsik si De Lima sa Senado partikular ng Senate Ethics Committee dahil sa isyu ng imoralidad at grave misconduct in office.

Pwede rin aniya itong pagmulan ng disbarment proceedings dahil sa kanyang pagiging abogada.

Kaya payo ni Panelo kay De lima, mag-resign na lamang para mailigtas nito sa ibayo pang kahihiyan ang Senado bilang institusyon.

Iginiit din ni panelo ang pag-amin na ito ni De lima sa kaugnayan niya kay Dayan ay nagpalakas lamang sa kasong kinakaharap nito kaugnay ng pagkakasangkot niya sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Malinaw din aniya itong patunay ng pagsisinungaling ni De Lima sa mga nauna na nitong tangkang pagtatakip sa sarili at pagsasabing inosente siya at biktima lamang ng public persecution.

 

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...