- Advertisement -

ERC official nagpakamatay dahil sa pressure sa trabaho

0 30

Inamin ng veteran journalist na si Charie Villa na pressure sa trabaho ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kanyang kapatid.

Sinabi ni Villa na hindi kinaya ni Energy Regulatory Commission (ERC) Director Francisco Villa Jr. ang pressure tulad ng hiring ng mga hindi naman kailangang consultants sa ahensya at pagpapalusot ng mga kontrata na hindi dumaan sa tamang proseso.

Ipinaliwanag ni Villa na ang kanyang kapatid ang tumatayong Chairman ng Bids and Awards Committee ng ERC.

Hindi umano kinaya ng kanyang kapatid ang ulat na baka mawalan siya ng trabaho dahil sa hindi pakikisaman sa ilang mga tiwaling tauhan ng opisyal ng naturang ahensya.

Iyun din umano ang laman ng kanyang suicide note makaraang magbaril sa sarili si Villa sa loob ng kanyang bahay sa Mervilla Park Subdivision sa Paranaque City noong Nobyembre 9.

Hinikayat naman ng mamamahayag ang ilan pang mga empleyado ng pamahalaan na manindigan at labanan ang katiwalian tulad ng ginawa ng kanyang kapatid.

Bago ang kanyang kamatayan ay labing-tatlong taong nagtrabaho sa ERC ang namatay na opisyal.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...