Facebook, Google, Twitter, tutulong sa pagsugpo ng ‘fake news’

Facebook, Google, Twitter, tutulong sa pagsugpo ng ‘fake news’

0
533
photo from remate.ph

Washington, United States – Nagpahayag ng kagustuhang tumulong sa isang kampaniya para sugpuin ang mga kumakalat na maling impormasyon sa social media ang mga major technology firms kabilang na ang Facebook, Google at Twitter, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng BuzzFeed, base sa kumakalat na email, ang mga kompanya ay nakatakdang magkita-kita sa headquarters ng Twitter sa San Francisco.

Inaasahan din na dadalo sa pagpupulong na tinawag nilang ‘Facebook cybersecurity’ sa pangunguna ni Nathaniel Gleiche ang Microsoft, Snapchat at iba pang tech firms.

“As I’ve mentioned to several of you over the last few weeks, we have been looking to schedule a follow-on discussion to our industry conversation about information operations, election protection, and the work we are all doing to tackle these challenges,” ani Gleicher, batay sa ulat ng BuzzFeed.

Hindi nagpaabot ng komento ang Twitter sa nasabing ulat maging ang Facebook at Google.

Pumutok ang balita matapos i-block ng Facebook, Twitter, Google at Microsoft ang mga account ng mga Russian at Iranian entities kung saan sinabi ng mga tech firms na ang mga ito ang pinagmumulan at nagpapakalat ng mga maling impormasyon upang guluhin ang US election noong November.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo, inanunsiyo ng Facebook na kanila nang tatanggalin ang nasa 650 pages, groups at accounts na kinilala nila bilang “networks of accounts misleading people about what they were doing.”

Gayundin, sinuspinde rin ng Twitter ang nasa 284 na accounts “for engaging in coordinated manipulation,” at sinabing marami sa mga account na ito ay mula sa Iran.

source: remate.ph

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here