- Advertisement -

#GoodNews: 3rd Telco Mislatel, Magbibigay ng 55 MBPS na Internet Speed

0 21

Sa isang resolusyon na may petasang Nobyembre 19 2018, Ideneklara na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consotium bilang pangatlong telco sa Pilipinas. Ito ay matapos ang 12 araw nang isagawa ang bidding.

Ang resolusyon ay pinirmahan nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioners Edgardo Cabarios, and Delilah Deles, and Oversight Committee chair Eliseo Rio Jr.

“Mindanao Islamatic Telephone Company Inc. with Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings Corp., and China Telecommunications Corp. (is declared) as the New Major Player,” sabi sa resolusyon.

Ang Mislatel ay binubuo ng Udenna Corporation, China Telecommuncations Corporation at ng Mindanao Islamatic Telephone.

Inaasahang makikipag-kumpetensya ang Mislatel sa dalawang telco giants na PLDT Inc. and Globe Communications Inc.

Ayon sa ulat ng GMA News, nangako ang Mislatel ng 27 mbps minum average broadband speed sa unang taon at gagawin naman nilang 55 mbps ang ang kanilang minimum average broadband speed sa susunod na apat na taon.

Ang pagpapapasok ng pangatlong telecommunication company sa Pilipinas ay isa sa ipinangako ni Pangulong Duterte noong ito ay nanalo bilang Pangulo.

ALSO READ: Mislatel, idineklara bilang 3rd telco player sa bansa

Panoorin:

Source: GMA News | GMA News 

ALSO READ: Mislatel, idineklara bilang 3rd telco player sa bansa

- Advertisement -

Loading...