- Advertisement -

Grupong Panday Sining, idineklarang ‘persona non grata’ sa Maynila

0 39

Nagpasa ng resolusyon ang Manila City Council na nagdedeklara sa militanteng grupong Panday Sining na persona non grata.

Kaugnay ito sa pagkakaaresto kamakailan ng mga tauhan ng Manila Police District sa apat na miyembro ng Panday Sining na naaktuhang sangkot sa bandalismo sa poste ng Light Rail Transit (LRT) sa lungsod ng Maynila.

Matatandaang unang umingay ang tungkol sa isyu ng bandalismo matapos na dungisan at pinturahan ng mga miyembro ng Panday Sining ang Lagusnilad overpass na pinagsusumikapan ng Manila City government, sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno, na linisin at pagandahin.

Binalaan na ang mga naturang aktibista na itigil ang kanilang ginagawa ngunit tila naghamon pa ang mga ito at muling dinungisan ang telecom box malapit pa mismo sa Manila City Hall gayundin ang mga pader ng Araullo High School sa lungsod at ang pinakahuli ay ang konkretong poste ng LRT.

- Advertisement -

Loading...