- Advertisement -

Kapitan ng barangay, 3 pang kaanak, patay sa pananambang sa Pangasinan

0 19

Patay sa pananambang ng riding-in-tandem ang kapitan ng Barangay Banzal at tatlo pang miyembro ng kanyang pamilya sa Santa Barbara, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente habang pauwi sa kanilang tahanan sakay sa tricycle si Kapitan Cecilio Ballesteros ng barangay Banzal kasama ang anak niyang si Brian Jose, kapatid na si Dionisio at bayaw na si Manuel Aquino.

Dead on the spot si Ballesteros matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang pinagbabaril din ng mga suspek hanggang sa mapatay sina Brian, Dinisio at Manuel habang tumatakbo papalayo sa lugar.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...