- Advertisement -

Libing kay Marcos, tila krimeng itinago – VP Robredo

0 35

Parang isang magnanakaw, sadya umanong itinago ng pamilya Marcos ang impormasyon sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Ayon kay Vice President Leni Robredo, sadyang itinago ang impormasyon sa sambayanan, dahil ipinaalam ang paglilibing ilang minuto na lamang bago mag alas onse ng umaga.

Dagdag pa ng bise presidente, malinaw na sinuway ang batas dahil hindi pa final and executory ang pasya ng Korte Suprema sa Marcos burial.

Ang nakababahala pa ayon kay Robredo, nangyari ito nang may pakikipag-ugnayan sa PNP at AFP ang pamilya Marcos.

Hindi naman aniya bago sa mga Marcos ang magtago, dahil mayroon nga silang tagong yaman, itinago nila ang mga pang-aabusong naganap, at ngayon ‘hidden burial’ naman itong maituturing.

Iginiit ni Robredo na hindi ‘hero’ si Marcos, dahi kung siya ay itinuturing na bayani, hindi kailangang itago ng pamilya niya ang paglilibing sa kaniya na tila ba isang krimen na kailangang ikubli.

sourceDZIQ990AM

- Advertisement -

Loading...