MANILA, Philippines – Pinatay ng 36-anyos na dating pulis ang kanyang misis at dalawang anak makaraang sumiklab ang matinding alitan ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Valladolid sa Carcar City, Cebu kahapon ng umaga.
Samantala, kinilala naman ang dating pulis na si P01 Joel Belamide Lopez na sinasabing nagbaril sa sarili makaraang patayin ang kanyang mag-iina bandang alas-5:30 ng umaga.
Nabatid na si Joel ay dating nakatalaga sa Lapu-Lapu City Police Station sa Mactan Island, Cebu.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Irving Abela na naisumite kay Liddawa, naganap ang pamamaril makaraang magkainitan sa pagtatalo ang mag-asawang Joel at Jelyn kaugnay sa sinasabing problemang pananalapi.
Gayunman, nagpakamatay naman si Joel makaraang pagbaril sa sarili.
Kaagad naman rumesponde ang lolo ng dalawang bata kung saan duguang nakabulagta ang mga biktima sa sahig ng bahay kabilang na si Joel na ginamit sa suicide ang M16 Armalite rifle.
Narekober sa crime scene ang 6 na basyo ng bala habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Base sa tala, lumilitaw na natanggal bilang pulis si Joel noong 2013 dahil sa sinasabing hindi sumipot sa court hearing ng kasong illegal drugs na isinampa sa kanya.
source: pilipino star ngayon