- Advertisement -

Matrix ng umano’y pakikipagrelasyon ng isang pinatay na pari isinapubliko

0 24

Isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang matrix ng umano’y pakikipagrelasyon ng isang pinatay na pari.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga residente at lokal na opisyal ng Tabongon, Cebu, sinabi ni Pangulong Duterte na pinatay ang nasabing pari dahil sa pakikipagrelasyon nito sa mga may asawang babae.

Kabilang aniya rito ay babaeng kasal sa vice mayor, asawa ng isang pulis, meron ding sundalo at isang malaking negosyante.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Pangulong Duterte pero makikita sa ipinakita nitong matrix na may titulong possible motive-love triangle ang larawan ng isang paring may pangalang Father Mark Anthony at walong babae.

Iginiit pa ng Pangulo na hindi dapat sisihin ang pamahalaan at wala rin aniyang kinalaman ang New People’s Army sa pagkamatay ng naturang pari.

Magugunitang noong nakaraang buwan lamang nang barilin at mapatay ang paring si Father Mark Anthony Ventura matapos ng kanyang misa sa gymnasium ng Gattaran, Cagayan province.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...