- Advertisement -

Mediamen, Artista nasa drug list ng PDEA

0 28

MANILA, Philippines — Ilang miyembro ng media at mga artista ang kabilang sa 20,000 indibidwal na nasa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang inihayag ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, gayunman tumanggi ito na pangalanan ang mga kagawad ng media at artista na nasa National Drug Information System (NDIS) ng kanilang tanggapan.

Anya, ang pagkakaiba ng hawak ng Pangulong Rodrigo Duterte na 6,000 na sangkot sa droga ay validated na habang ang nasa 20,000 na NDIS ng PDEA  ay kasalukuyan palang bina-validate.

Nangangalap pa umano ang PDEA ng dagdag at solidong ebidensiya laban sa mga kagawad ng media at artista bago nila ito sampahan ng kaukulang demanda.

Ang nagsasagawa ng validation at re-validation ay ang NICA, AFP, PNP at DILG sa mga napapabilang sa kanilang drug watch list bago ito ibigay o ipadala sa tanggapan ng Pangulong Duterte.

Tiniyak ni Aquino na agad naman nilang inaalis sa listahan ng kanilang drug watch list ang isang tao kapag lumabas sa kanilang validation na paninira lamang ang reklamo at impormasyon na ipinarating sa PDEA.

- Advertisement -

Loading...