- Advertisement -

Mga Media hindi imbitado sa pag ere ng Inagurasyon ni Duterte!

1 33
 Mga Media hindi imbitado sa pag ere ng Inagurasyon ni Duterte!

Hindi imbitado ang media sa inagurasyon ni incoming President Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay incomming Communications Sec. Martin Andanar, hindi rin imbitado ang Malacanan Press Corps sa oathtaking ni Duterte sa June 30 dahil masyado daw masikip ang Rizal Hall ng Malacañang na siyang main venue sa event.

Sa halip, tanging ang PTV 4 at Radio-TV Malacañang lamang ang papayagan na mag-cover ng inagurasyon ni Duterte.

Paliwanag pa ni Andanar kahit aniya ang mga miyembro ng gabinete ay sinabihan na huwag dalhin ang mga asawa dahil sa limitado lamang ang kapasidad ng Rizal Hall.

Una nang inihayag ng kampo ni Duterte na 500 na mga bisit ang imbitado sa inagurasyon ng bagong pangulo sa Malacañang kabilang dito ang mga retiradong opisyal ng militar at mga diplomats.

ALSO READ: Facebook offers to livestream Duterte’s inauguration 

(Radyo Inquirer)

- Advertisement -

Loading...