Mocha Uson, itinalagang bagong board member ng MTRCB

0
450

Itinalaga ng Malakanyang ang blogger at singer na si Mocha Uson bilang bagong board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang appointment kay Uson ay inihayag ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Andanar, epektibo ang appointment kay Uson bilang bagong board member ng MTRCB noong December 28, 2016.

Nang tanungin kung bakit si Uson, sinabi ni Andanar na matagal naman na sa showbiz industry si Uson, maliban pa sa pagiging influential blogger nito.

Kinumpirma naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga kay Uson.

Samantala, ayon kay MTRCB Chairman Toto Villareal, natanggap na nila ang appointment letter kay Uson na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Gayunman, hindi pa aniya ganap na nagsisimulang magtrabaho sa ahensya si Uson.

 

sourceDZIQ990AM

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here