- Advertisement -

Nameke ng shabu, itinumba ng kliyente

0 39

Dedo ang isang hinihi­nalang drug pusher na na­meke umano ng tindang shabu sa dalawang lalaking ‘‘iskorer’’ matapos tarakan sa dibdib ng ice pick, sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Rommel San Jose, ng Hermosa St., Tondo bunga ng tinamong saksak ng ice pick sa dibdib.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, ang insidente ay nangyari dakong alas-2:00 ng madaling araw sa panulukan ng Oroquieta St. at C.M Recto Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa pahayag ng saksi na si Michael Flores, taxi driver, sumakay umano sa kanyang taxi ang  biktimai sa Doroteo Jose St. at nag­papahatid sa Jose Abad Santos St., subalit biglang nagbago ang isip at sinabihan siya na dumaan muna sila sa Oroquieta.

 Sumenyas ang biktima sa dalawang lalaki na nag-aabang at inabutan ito ng puting papel.

Habang nakahinto sila ay bumaba pa ang biktima at nagulat siya nang may kumalabog sa likuran ng taxi at nang tingnan niya ay may hawak na ice pick umano ang isa sa 2 suspek habang ang biktima ay sapo na ang dibdib.

Mabilis na tumakas ang mga suspek kaya isinugod niya sa pagamutan ang biktima.

Nakita naman sa loob ng taxi ang hawak umano ng biktima na papel na may lamang sachet ng crystals na mistulang shabu at nang suriin ay amoy kendi na menthol.

Hindi naman nailara-wan ng taxi driver ang hitsura ng mga suspek dahil sa bilis umano ng pangyayari.

 

source phil star ngayon

- Advertisement -

Loading...