- Advertisement -

Nilagdaang EO kontra ‘ENDO’ ipinagtanggol ni labor Secretary Bello

0 44

Ipinagtanggol ni Labor Secretary Silvestre Bello the Third ang Executive Order kontra ENDO o kontraktuwalisasyon.

Ito ang tugon ng kalihim matapos batikusin nina kilusang Mayo Uno President  Elmer Labog at  Nagkaisa Leader Renato Magtubo na pumapabor anila sa mga employer.

Itinanggi ni Bello na ang nabanggit na E.O. ay pumapabor sa mga employer at iginiit na nilagdaan ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang nabanggit na bersyon ng kautusan sa paniwalang makatutulong ito sa interes ng mga manggagawa at employer.

Gayunman, aminado si Bello hindi tuluyang mapagbibigyan ng gobyerno ang hiling ng mga labor group na tuluyang wakasan ang kontraktuwalisasyon.

Gobyerno mahihirapan sa  tuluyang pagbuwag sa kontraktuwalisasyon ayon sa isang labor expert

Posibleng  mahirapan  ang  gobyerno  na  ipagbawal  ang  lahat  ng  uri  ng  kontraktuwalisasyon.

Ito ang reaksyon ni dating U.P. School of Labor and Industrial Relations Dean, Dr. Rene Ofreneo makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order kontra “endo.”

Ayon kay Ofreneo, ang nabanggit na kautusan ay isang hakbang patungo sa mas mahigpit na  regulasyon sa outsourcing at short-term hiring ng mga manggagawa.

Dapat anyang mapagtanto ng mga labor group na hindi lahat ng trabaho ay maaaring i-regular.

Ipinunto ni Ofreneo na ang tunay na issue ay ang pagwawakas sa pang-aabuso ng ilang  employer na nagreresulta sa  pangongontrata tulad ng mga manpower agency upang maiwasan ang regularisasyon ng mga manggagawa.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...