- Advertisement -

Paghalik ng Pangulo sa labi sa isang OFW. hindi magandang gimik

0 24

Hindi akma na gawin ng  isang Pangulo ang paghalik sa labi ng isang babae lalo na ng mga ginang na mayroon ng  asawa o pamilya.

Ayon kay Senator Bam Aquino ,  kanya-kanyang gimik ang mga pulitiko, subalit hindi katanggap-tanggap  ang naging gimik ng Pangulo para lang mapasaya ang Filipino community sa South Korea.

Pero para kay Senator Sherwin Gatchalian, walang malisya ang nangyari dahil  pumayag naman ang  Overseas Filipina Worker  na si Bea Kim nang halikan siya sa labi ni Pangulong Duterte.

Ikinumpara pa ng Senador ang nangyari sa mga artista na kahit may asawa na  ay nakikipaghalikan sa  mga ka-eksena  sa pelikula o  T.V. Show.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...