- Advertisement -

Pari nilasing ang 19 anyos na dating seminarista saka inabuso

0 87

Isang dating seminarista ang nagreklamo na inabuso umano siya ng dating parish priest sa Pozorrubio, Pangasinan. Paglilinaw naman ng Diocese ng Urdaneta, tinanggal na ang pari dahil sa naturang insidente.

Isang dating seminarista ang nagreklamo na inabuso umano siya ng dating parish priest sa Pozorrubio, Pangasinan. Paglilinaw naman ng Diocese ng Urdaneta, tinanggal na ang pari dahil sa naturang insidente.

Sa ulat ni Russel Simorio sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabi ng dating seminarista na itinago sa pangalang Dexter na 2014 nang pumapasok siya bilang seminarista sa Pozorrubio

Nangyari umano ang pang-aabuso sa kaniya ng pari nang pinilit siyang painumin nito ng alak hanggang sa malasing siya at nahilo.

Hindi raw kaagad siya nakapagsumbong noon dahil sa takot.

Masama ang loob ng ina ni Dexter sa ginawa ng pari sa kaniyang anak.

“Ang anak ko gusto kong maging pari pero mismong pari yung gumawa ng kasamaan sa kaniya,” anang ginang.

Sinabi ni Dexter na hindi dapat nagpari ang nag-abuso sa kaniya dahil ang mga katulad nito ang nagbibigay ng dungis sa pangalan ng Simbahang Katolika.

Hindi na sinampahan ng kasong kriminal ni Dexter ang pari pero sinabi ng Diocese ng Urdaneta na natanggal na sa pagiging pari ang inirereklamo dahil sa nasabing pangmomolestiya.

source: GMA News

 

- Advertisement -

Loading...