- Advertisement -

PhilHealth board members, sisibakin ni Pangulong Duterte

0 29

Pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang alas tres ng hapon ngayong Lunes ang lahat ng board member ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Iniutos ng Pangulo na magsumite ng resignation letter ang lahat ng board member ng Philhealth kasunod ng nabunyag na irregularidad sa paggamit ng pondo ng ahensiya.

Nakatakdang makipagpulong ngayong alas singko ng hapon sa Pangulo ang mga opisyal ng PhilHealth sa Malacañang.

Nais ng Pangulo na mabatid kung paano nakalusot ang overpayment sa isang dialysis center at ginagawa rin ba ito sa iba pang ospital.

Inihayag ng Pangulo noong Sabado na pagbalik niya sa Metro Manila ay babalasahin niya ang mga opisyal ng Philhealth.

Pero sa kabila ng kontrobersiya ay sinabi ng Presidente na patuloy pa rin siyang nagtitiwala sa pinuno ng PhilHealth na si Dr. Roy Ferrer.

- Advertisement -

Loading...