- Advertisement -

Pinay na bibitayin sa UAE, nasagip – Bello

0 22

MANILA, Philippines –  Makakahinga na nang maluwag ang pamilya ng isang Pinay na nasa death row matapos ihayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ligtas na ang OFW sa anumang pagbitay sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

 Sa press briefing sa Saudi Arabia, sinabi ni Bello sa mga mamamahayag na tiniyak na sa kanya ng UAE Labor Mi­nistry na hindi na mabibitay si Jennifer Dalquez na nakaapela ang kaso sa UAE Court of Appeals.
Sa rekord, si Dalquez ay nakulong at nahatulan ng kamatayan noong 2014 dahil sa pagpatay sa kanyang Arab employer na umano’y nagtangkang gumahasa sa kanya.

Nauna rito, umapela ang pamilya ni Dalquez kay Pangulong Duterte na tulungan silang mailigtas ang naturang Pinay.

Sa tala ng DFA, may 71 Pinoy pa ang nasa death row matapos ma-convict with finality, habang ang iba ay kasalukuyang naka-apela ang mga kaso at ang iba ay kailan lang nahatulan.

Kaugnay nito, sinabi ni Bello na inimbitahah siya ng limang ambassador sa Middle East kamakailan at tiniyak umano ng mga ambassador na wala nang mabibitay at ang kanilang “commitment” sa pagbibigay ng proteksyon sa mga OFWs kasunod sa banta ng Phl Labor Department na iba-ban ang pagpapadala ng mga households service workers (HSWs) sa Middle East at sa pagkokonsidera ng panukalang “living out” sa mga kasambahay upang makaiwas sa maltreatment at posibleng sexual harrassment.

source: pilipino star ngayon

- Advertisement -

Loading...