- Advertisement -

Police Officer, Patay Sa Mga Holdaper Ng Convenience Store

3 39

Isang pulis ang napatay nitong Linggo ng umaga, ika-4 ng Setyembre, matapos komprontahin ang dalawang lalaking pinaghihinalaang mga holdaper sa loob ng isang convenience store sa Parañaque City.

Ayon sa ulat ni James Agustin ng Super Radyo DZBB, sinabi umano ni Parañaque police Deputy Chief for Investigation Sr. Inspector Allan Abaquita na naaktuhan ng rumorondang grupo ni Chief Inspector Nelson Pagaduan ang mga suspek habang binibiktima ang isang convenience store sa Pascor Drive, Imelda Avenue, Barangay Sto. Niño ng nasabing siyudad.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at ng dalawang suspek. Nasapul ang isa sa mga suspek na agad nitong ikinamatay, ngunit nakatakas naman ang kasama nito.

Sa kasawiang-palad, tinamaan sa leeg si Chief Inspector Pagaduan, na siyang patrol supervisor ng Pasay police community precinct 2. Agad siyang isinugod sa isang ospital ngunit binawian rin siya ng buhay.

Narekober ng mga pulis ang isang .38 kalibre ng baril, dalawang sachet ng shabu at pera. Inamin naman ng kapatid ng napatay na holdaper na gumagamit nga ng shabu ang kapatid pero hindi sila makapaniwalang nangholdap ito.

Ang mga empleyado ng convenience store ay hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa insidente dahl sa labis na takot.

source  

- Advertisement -

Loading...