- Advertisement -

Tig-P1M sa 37 Resorts victims

0 104

MANILA, Philippines – Nangako ng P1 mil­yong tulong pinansyal sa bawat pamilya ng nasawi sa deadly casino attack ang Resorts World Manila.

 Sinabi ni RWM Chief Operating Officer Stephen Reilly na hindi matutumbasan ng naturang halaga ang buhay ng mga biktima ngunit maaari umanong makatulong sa naulila ng mga biktima.

“Yesterday we lost so many lives because of this senseless act. We hope that we will be able to somehow help,” wika ni Reilly kahapon.

Nitong Biyernes ay pinasok ng nag-iisang gunman ang Resorts World Manila, nanunog ng mga casino tables at slot machines dahilan para ma-suffocate ang mga guest at hotel employees.

Tinangay nito ang nasa P113M casino chips saka pumasok sa isang kwarto ng katabing hotel, nagsunog sa sarili at nagbaril.

Sa CCTV footage ng Resorts na ipinakita sa media ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde, nakita ang pagpasok ng gunman sa lobby ng Resorts at pagbuhos ng gasolina sa carpet ng hotel.

Samantala, nakatakdang isailalim sa DNA testing at denture examination ang nasunog na katawan ng gunman.

Isasailalim din sa ballistic examination ang isang M4 assault rifle at isang cal. 380 na narekober mula sa salarin.

Samantala, nagtirik ng kandila ang pamunuan ng RWM para sa 37 guests at empleyado na nasawi sa naturang pagsalakay. Labing-tatlo sa mga nasawi ay pawang mga empleyado ng casino.

Isang linggo ring magsasara ang Newport Mall sa loob ng Resorts World Manila upang bigyang daan ang pagsasaayos sa nasira nilang mga pasilidad at gamit kasabay ng pagluluksa para sa mga napaslang sa naganap na pagsalakay.

source: Pilipino Star Ngayon

- Advertisement -

Loading...