- Advertisement -

Comelec chairman Andres Bautista posibleng makasuhan ng tax evasion

0 31

Posibleng maharap sa tax evasion case si COMELEC Chairman Andres Bautista dahil sa pagtatago umano nito ng kaniyang mga yaman.

Ito ang ibinabala ni Atty. Lorna Kapunan, legal adviser at tagapagsalita ni Ginang Patricia Paz Bautista makaraang sabihin ng kampo ng poll chief na commingled funds sa kaniyang mga magulang at kapatid ang nadiskubreng yaman nito.

Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa” kay Kapunan, sinabi nito na kahit sabihin pang ligal ang mga nasabing pondo, malinaw namang hindi idineklara ni Chairman Bautista ang mga iyon sa kaniyang SALN.

Dagdag pa ni Atty. Kapunan, sakaling magbitiw man o mapatalsik sa puwesto si Chairman Bautista sa COMELEC, tiyak na mahaharap pa ito sa patumpatong na kaso tulad ng plunder, paglabag sa anti-money laundering act at perjury.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...