- Advertisement -

Hirit ng magkapatid na Parojinog na makadalo sa lamay ng mga kaanak, ibinasura

0 25

Bigo ang magkapatid na Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog Echavez at Reynaldo Parojinog Jr. na makuha ang permiso ng Korte.

Ito’y makaraang pormal na maghain ng petisyon sa Korte ang magkapatid para makadalo sa huling lamay gayundin sa libing ng namayapa nilang magulang at tiyuhin sa Lunes, Agosto 14.

Batay sa tatlong pahinang kautusan na pirmado ni Ozamiz City Regional Trial Court (RTC) Judge Edmundo Pintac, ibinasura nito ang hirit ng magkapatid sa halip mas pinaboran nito ang pagtaya ng mga pulis sa sitwasyong pang-seguridad sa Ozamiz.

Batay umano sa intelligence report ng pulisya, may posiblidad na magsagawa ng madugong pagsagip ang mga taga-suporta ng mga Parojinog sa magkapatid dahil sa mataas na emosyon sa lungsod mula nang mapatay ang kanilang alkalde.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...