- Advertisement -

De Lima: Walang shabu lab sa bilibid

2 50

MARIING sinabi ni Sen. Leila de Lima na mayroong shabu laboratory sa loob mismo ng New Bilibid Prisons (NBP).

Tinawag ng senadora na “disinformation” ang naturang pahayag dahil noong siya pa umano ang kalihim ng Department of Justice (DOJ), ang paghanap sa drug laboratory sa bilibid ang una niyang ginawa.

Una nang inihayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na kabilang sa mga supplier ng droga sa bansa ay nagmula at ginagawa mismo sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Pero buwelta ni De lima, imposibleng mangyaring ito na hindi nalalaman ng mga prison official.

Kung tutuusin, nagpatupad siya ng sunod-sunod na “Oplan Galugad” upang i-raid ang loob ng NBP matapos niyang makakuha ng mga intelligence report sa transaksyon ng mga drugslord.

Pero sa kabila nito, wala umanong silang nakitang shabu lab.

Ang tinaguriang Bilibib 19 ay pinalipat daw niya pansamantala noon sa NBI detention facility habang pinagagawa ang secured na kulungan na building number 14.

Kamakailan lamang, kabilang sa Bilibid 19 na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga druglord na sina Peter Lim alyas Jaguar at Herbert Colangco na iniugnay din sa Kuratong Baleleng group.

source: remate.ph

 

- Advertisement -

Loading...