- Advertisement -

Digong bumanat uli sa Simbahan

0 99

MANILA, Philippines – Muling inatake ni Pangulong Duterte ang Simbahang Katoliko kahapon sa harap ng mahigit 400 na nanumpa bilang bagong opisyal ng gobyerno sa isang simpleng seremonya sa Malacañang.

 Sinabi ng Pangulo na hindi siya magtataka kung sa darating na 30 taon ay magiging ‘passe’ na ang Catholicism sa bansa.

Aniya, kapag nabasa ng mga Katoliko ang Altars of Secrets ay malamang hindi na sila Katoliko kinabukasan.

“Akala mo sila lang—sus. That religion will become passé in the next 30 years. Sometimes our society has to know the truth,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Hindi rin pinaligtas ng Pangulo ang pagbatikos muli nito sa isang television station at isang pahayagan na inakusahan niyang ‘basura’ ang mga nirereport.

Nagbiro din ang Pa­ngulo na halos lahat ng nanumpang mga government officials ay mayroong mga extra-marital affairs.

“Minsan kasi, ang ating society, has to know the truth. Kung ano ang laro nating lahat. Babae? Oo, marami,” dagdag pa ng Pangulo.

source: pilipino star ngayon

- Advertisement -

Loading...