- Advertisement -

PAG-ALIS SA MARTIAL LAW SA MINDANAO, POSIBLE NA – DOJ

0 24

Pabor ang Department of Justice sa mungkahing alisin na ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Bunsod ito ng matagumpay na paglikida ng militar sa dalawang lider teroristang sina ISIS Emir Isnilon Hapilon at Omar Maute sa Marawi City kamakalawa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing tatanggalin niya ang martial law sa sandaling matapos na ang giyera sa Marawi.

Bagama’t maaari na itong irekumenda sa Pangulo, sinabi ni Aguirre na nasa pagpapasya pa rin iyon ng punong ehekutibo dahil mayruon pa ring banta ng gulo sa rehiyon tulad ng NPA, BIFF at iba pang lawless elements sa Mindanao.

source: dwiz882am

- Advertisement -

Loading...