- Advertisement -

Russian warship binisita ni Pangulong Duterte

0 27

Binisita kahapon ni Pangulong Duterte ang Russian warship na Admiral Tributs na nakadaong sa Pier 15 sa Maynila.

Binigyan ang Pangulo ng arrival honors ng Russian Navy contingent na lulan ng warship bago ito mag-ikot sa nasabing barkong pandigma na nasa bansa para sa 4-day goodwill visit.

Ang Admiral Tributs warship ay may habang 162 meter na itinuturing na isa sa malalaking anti-submarine ship ng Russia na naka-deploy sa Pacific fleet ng Russian Navy.

Bukod sa Admiral Tributs, kasama din sa mga barko ng Russia na nasa Manila Bay ang Bystry, Boris Butoma at Alatau.

- Advertisement -

Loading...