- Advertisement -

Pia nasarapan sa halik ni Gerald

0 49

Kaya hindi pa perfect ang tingin kay Marlon

Natanong sa presscon ng My Perfect You ang sagot nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach kung naha­nap na nila ang perfect partner sa mga karelas­yon nila ngayon.

Ani Gerald, “Ano pa siya, journey pa siya. Bilang lalaki, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve. Provider din ako (sa family niya) at ayokong ma­ging selfish. Pero sana, that’s what we hope.”

Sagot naman ni Pia, “Hindi ko pa masabi dahil marami pa rin akong gustong gawin at marami pang gustong ma-experience. With regards to my relationship with him (Marlon Stoc­kinger), maaga pa para masabing my perfect you na ang relationship namin. Hindi ko masasabi ‘yun until we get married.”

May kissing scenes sina Gerald at Pia sa pinagbibidahang pelikula na showing na simula bukas at natanong si Pia kung good kisser si Gerald, “Maga­ling po siya” na ikinangiti ng aktor at dinagdagan ang sagot ni Pia.

“Isa sa pinaka-romantic kissing scene for me ang kissing scene namin ni Pia at may kasama pang ele­ment na gusto ko.”

Hindi nag-spoiler si Gerald kung ano’ng element ang tinutukoy niya. Alamin na lang ito sa Star Cine­ma movie sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

source: philstar 

- Advertisement -

Loading...