- Advertisement -

Pilipinas, social media capital of the world

0 691

Sa ikatlong magkakasunod na taon ang Pilipinas pa rin ang tinaguriang ‘social media capital’ sa buong mundo.

Base sa isinagawang pag-aaral noong nakalipas na taon, ang isang Pinoy ay gumugugol ng  nasa  apat na oras sa  social media o eksaktong tatlong oras  at 57 minuto araw-araw.

Isinaad pa sa ulat, na karamihan sa mga Filipino ay gumugugol ng siyam na oras at 29 na minuto sa internet sa araw-araw.

Animnapu’t tatlong porsiyento ng mga Pinoy o 67 million sa total population ng Pilipinas  na aabot sa 105.7 milyon  ang may access sa internet.

Lumabas din sa 2018 Global Digital report  na isinagawa ng creative agency  na We Are Social at social management platform Hootsuite na sumunod sa  Pilipinas ang Brazil   na may average na tatlong oras hanggang 39 minuto, habang ikatlo naman ang Indonesia ng tatlong oras  at  23 na minuto araw-araw din.

Lumabas din sa isinagawang mga pag-aaral na ang bilang  ng mga internet users ay tumaas sa seven million noong nakalipas na taon.

Halos lahat umano ng mga Pinoy na internet users ay guma­gamit ng social media accounts  tulad ng Facebook, Twitter at Instagram.

Pero siyempre, gaya ng inaasahan, na­ngunguna rito ang Facebook bilang most visited website sa bansa, kasunod ang website Google at video streaming site YouTube base pa rin sa data ng SimilarWeb.

Aba’y talagang ‘petmalu’  dahil base rin sa ulat, alam ba ninyong umaabot na sa 4.021  billion, o tumaas ng pitong porsiyento kumpara noong nakalipas na taon ang sinasabing internet users sa buong mundo.

At ang smartphones ang siyang pinipili ng nakakarami sa buong mundo sa kanilang pag-o-online.

source: philstar

- Advertisement -

Loading...